Higit na bilang sa pagdalo para sa huling SONA ni Duterte isinaalang-alang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ng isang opisyal ng House of Representative noong Martes na mas maraming dumalo ang maaaring pahintulutan sa huling State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Hulyo sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon kaysa noong nakaraang taon.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, 150 hanggang 200 katao ang maaaring payagan na pisikal na dumalo sa kaganapan.

Hopefully, we’re looking at around both houses. Siguro around 150 to 200 ang papasok sa plenary this year pero depende pa rin sa ano ng IATF and sa ano ng Malacañang. So far, ‘yun ang projection natin,” sinabi ni Mendoza sa mga reporter.

Sinabi niya na ang mga dadalo ay sasailalim pa rin sa rapid testing and reverse transcription – polymerase chain reaction (RT-PCR) test, pati na rin sa social distancing na protokol.

Ipinahayag ni Mendoza na tinitingnan nila ang pagpapatupad ng patakaran na hinihiling ang mga dadalo sa SONA na ganap na mabakunahan upang payagan sa venue.

By that time naman karamihan naman fully vaccinated na. We’re hoping na ‘yung mag-attend, lahat ng papasok sa plenary, fully vaccinated sila,” aniya.

Sinabi niya na ang media ng gobyerno lamang ang pahihintulutang sakupin ang SONA ni Duterte sa Batasan complex, habang ang pribadong media ay pinapayagan na lumahok nang malayuan.

Ang pamilya ng pangulo, mga miyembro ng Kongreso at kanilang mga asawa, mga dating pangulo, mga dayuhang diplomat, mga opisyal ng gobyerno, at iba pang mga dignitaryo ay karaniwang inaanyayahan sa taunang SONA.

Noong nakaraang linggo, tiniyak ng Presidential Security Group (PSG) kumander na si Brig. Gen. Jesus Durante III na ang huling SONA ni Duterte ay magiging “maayos at ligtas.”

This will be the last SONA of the President, so we will ensure and assure the Filipino people that it will go smoothly and safely as with the past State-of-the-Nation addresses of the President,” sabi ni Durante.

Inilahad niya na ang mga ocular at site inspection ay naisagawa sa loob ng Batasang Pambansa Complex.

Sinabi pa ni Durante na ang mga dadalo sa SONA ay sasailalim sa mahigpit na mga health at safety protocol.

Noong nakaraang taon, ang mga dumalo sa SONA ni Duterte ay obligadong sumailalim sa isang RT-PCR test isang araw bago ang taunang kaganapan upang matiyak na sila ay negatibo sa Covid-19 bago pumasok sa Batasang Pambansa.

Taun-taon, ang pangulo ng Pilipinas ay naghahatid ng SONA upang mag-ulat tungkol sa estado ng bansa, iharap ang plano ng gobyerno para sa paparating na taon, at samantalahin ang pagkakataong hikayatin ang Kongreso na ipasa ang mga hakbangin sa priyoridad.

LATEST

LATEST

TRENDING