Duterte: ‘Ganap na nagulat’ sa akusasyon ni Pacquiao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Si Pangulong Rodrigo Duterte ay “ganap na nagulat” tungkol sa akusasyon ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao na lumalala diumano ang katiwalian sa ilalim ng kanyang pamumuno, ayon sa Malacañang nitong Martes.

Nang tanungin tungkol sa bagong akusasyon ni Pacquiao, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang virtual press conference, “I don’t think it was expected. Actually, it was a complete surprise.”

Ayon kay Roque, nakakadismaya na noong una ay pinuri ni Pacquiao ang mga nagawa ni Duterte, ngunit naging kritiko sa kasalukuyang administrasyon, dahil lamang malapit na ang 2022 pambansa at lokal na halalan.

“Kinakailangan kung may reklamo ka, sabihin mo kung anong reklamo niya nang maaksyunan ng Presidente. Otherwise, talagang namumulitika lang daw si Senator Pacquiao,” sabi niya.

Hinahamon ni Duterte si Pacquiao sa isang pre-recorded Talk to the People na pangalanan ang mga tiwaling institusyon at opisyal ng gobyerno sa loob ng isang linggo upang mapatunayan ang sinabi ng senador na lumalala ang katiwalian sa kabila ng pagsisikap ng Pangulo na tanggalin ang mga walang prinsipyong mga opisyal at empleyado ng publiko.

Nang malaman ni Duterte ang tungkol sa alegasyon ni Pacquiao, at sa gitna ng mga ulat na isinasaalang-alang ng mambabatas na tumakbo sa pagka-pangulo ngayong 2022, inisyu niya ang hamon.

Sinabi niya na kung hindi napatunayan ni Pacquiao ang kanyang akusasyon sa malawakang katiwalian sa gobyerno, siya ay kakampanya laban sa kanya.

Si Pacquiao ay kasalukuyang pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ang partido na pinangungunahan ni Duterte.

“It’s rather obvious that the relationship between the President and Senator Pacquaio is not as cordial as it was,” aniya. “Natapon na po ang sabaw.”

Sa kabila ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa, sinabi ni Duterte na hindi niya tatanggalin si Pacquiao sa PDP-Laban, ayon kay Roque.

“The President realizes na PDP naman po ay talagang halos wala ng miyembro niyan bago siya pumunta diyan. At kinikilala naman po niya na ang PDP ay partido ng mga Pimentel,” aniya.

Ayon sa Malacañang, si Pacquiao ay isa sa mga taong isinasaalang-alang ni Duterte bilang isang posibleng kandidato sa pagka-pangulo sa 2022.

Sinabi ni Roque na ang naging pagtatalo ni Duterte at Pacquiao ay hindi magiging dahilan para alisin ng Pangulo si Pacquiao bilang posibleng tagadala ng pamantayan sa kanyang administrasyon.

“Hindi naman po definitely because in the realm of politics – although I’m not a veteran person for politics – anything is possible,” sabi niya.

Nagpahayag lamang ng pagkadismaya si Roque na hindi makapaghintay si Pacquiao sa anunsyo ni Duterte.

“Hindi pa naman pine-preclude ni Presidente na puwede namang ma-endorso pa si Senator Pacquiao pero hindi yata naka-hintay si Senator Pacquiao,” sabi niya.

Bukod kay Pacquiao, si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Senador Christopher Lawrence Go ay pawang mga kandidato para kay Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING