Penalty sa pagtatapon ng basura sa waterways isinasaalang-alang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang mga indibidwal na nahuling nagtatapon ng basura sa Pasig River o sa anumang waterways sa National Capital Region (NCR) ay maaaring humarap sa uniform penalty, ayon sa isang opisyal ng Metro Manila Council (MMC).

Sinabi ng MMC at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair na si Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na ang isa sa mga paksang isinasaalang-alang ng mga miyembro ng MMC, na ang karamihan ay mga alkalde ng NCR, ay “pagsasaayos ng mga ordenansa” laban sa mga indibidwal na patuloy na nagtatapon ng basura sa waterways.

“We will make a uniform ordinance to mete out sanctions or conduct community service for those who recklessly throw garbage,” ayon kay Abalos.

Idinagdag pa niya na ang MMDA ay nagtayo ng mga floating garbage net upang maiwasan ang pagpasok ng basura sa mga pumping station nito bilang isang mas kongkretong hakbang upang mapanatiling malinis ang mga daanan ng tubig.

Sa kanyang pag-inspeksyon sa pag-install ng mga trash trap sa isa sa mga tributary ng Estero Tripa de Gallina sa Pasay, sinabi niya na dalawang trak ng basura ang natitipon araw-araw sa mga kalapit na lugar.

Sinabi rin niya na 32 trak ng basura ang nakokolekta araw-araw mula sa 57 mga pumping station ng Metro Manila.

“As we expect the volume of trash to increase because of the rains and inclement weather, we also plan to gradually install trash traps on all waterways such as canals and esteros to lessen the effect of flooding in Metro Manila,” ayon kay Abalos.

Hinimok niya ang mga tao na iwasang magtapon ng basura, partikular ang human waste, sa mga daanan ng tubig.

“We call on the public to avoid throwing garbage in prohibited places and we encourage everyone to instead recycle to lessen the waste we are collecting and eventually alleviate the effects of flooding,” sabi ni Abalos.

LATEST

LATEST

TRENDING