Duterte idineklara ang 10-araw na pambansang pagluluksa sa pagkamatay ni Aquino

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Hunyo 24 hanggang Hulyo 3 bilang panahon ng pambansang pagluluksa (Period of National Mourning) sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Inilahad ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang pahayag na pinirmahan ni Duterte ang Proclamation No. 1169 na nagpapahayag ng 10 araw na pagdadalamhati kasunod ng pagkamatay ni Aquino noong Huwebes ng umaga.

“President Rodrigo Roa Duterte signed today Proclamation No. 1169, declaring June 24, 2021 to July 3, 2021 as a Period of National Mourning over the passing of former President Benigno Simeon C. Aquino III,” isinaad ni Roque sa isang pahayag noong Huwebes ng gabi.

Ang pambansang watawat ay ilalagay sa kalahating palo (half-mast) mula pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw sa lahat ng mga gusali at pasilidad ng gobyerno sa buong Pilipinas at sa ibang bansa sa ilalim ng panahon ng pambansang pagluluksa (Period of National Mourning) sa loob ng 10 araw, ayon kay Roque.

Hinimok din niya ang publiko na magbigay ng parangal sa dating pangulo para sa kanyang mga naiambag sa bansa.

“Let us continue to pray and pay respects to the former President who gave his best to serve our nation and our people,” sinabi niya.

Ipinahayag ni Duterte ang kanyang kalungkutan sa pagkamatay ng kanyang predecessor sa Malacañang Palace.

“It is with profound sadness that I learned of the passing of the former president Benigno S Aquino III this morning,” sinabi niya.

Pinasalamatan siya ni Duterte para sa kanyang naiambag sa bansa at nagpahayag ng pag-asa na ang kanyang pamana ay “magbibigay inspirasyon” sa mga Pilipino.

Tiniyak niya sa pamilya ni Noynoy na ang pambansang pamahalaan ay magbibigay ng tulong bukod sa “pagmamahal at mga panalangin.”

Sa isang opisyal na pahayag, hinikayat din ni Duterte ang publiko na isantabi ang kanilang pagkakaiba at mag-alay ng panalangin para sa dating pangulo.

“Let us all take this opportunity to unite in prayer and set aside our differences as we pay respects to a leader who has given his best to serve the Filipino people,” sinabi niya.

Ang mga pambansang watawat ay ibinaba sa maraming bahagi ng bansa bago ang deklarasyon upang magbigay pugay sa dating pangulo.

Sa Palasyo ng Malacañang, ibinaba ang mga pambansang watawat dakong ala-una ng hapon.

Ayon sa pamilyang Aquino, ang labi ng dating pangulo ay na-cremate sa Heritage Park sa Taguig.

Isang misa ang gaganapin sa Ateneo de Manila University sa Biyernes habang ang kanyang libing ay sa Sabado sa Manila Memorial Park, katabi ang kanyang mga magulang – dating pangulong Cory Aquino at dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ang dating Pangulo ay namatay alas 6:30 ng umaga dahil sa sakit sa bato na pangalawa sa diabetes.

Nagsilbi siya bilang ika-15 pangulo ng bansa mula 2010 hanggang 2016. Bago naging pangulo, naging senador siya mula 2007 hanggang 2010 at bilang isang kinatawan ng Kongreso ng Tarlac 2nd District mula 1998 hanggang 2007.

LATEST

LATEST

TRENDING