Pinoy seafarers, dapat bigyang prayoridad sa single-dose Covid-19 vaccines: kongresista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Jes Aznar (The New York Times)

Ang mga Pilipinong manlalayag ay dapat umanong bigyan ng prayoridad sa single-dose Covid-19 vaccines kapag dumating na ang suplay nito sa bansa, ayon sa isang kongresista noong Linggo.

Inindorso ng Maritime Industry Authority (Marina) at ilang manning agencies ang paggamit ng single-dose vaccines tulad ng Johnson and Johnson at Sputnik V Light ng Russia para sa mga manlalayag, ayon kay for Marino Partylist Rep. Macnell Lusotan.

Aniya, “Yung sitwasyon ng mga international foreign vessels, trumping, walang fixed na schedule…Minsan short notices, ibigay less than a week, so paano ‘pag 2 dose ang ibigay natin? Maghintay pa sila.”

“Ang recommendation natin, hihintayin natin kung darating ang single-dose. Pero sa ngayon… kung anuman ang available na 2-dose na vaccine, ipaturok na natin habang naghihintay tayo ng supply ng single-dose na vaccine,” dagdag pa ng mambabatas.

Ang traditional o cargo seafarers ay hindi naapektuhan ng pandemiya, habang nasa 50,000 hanggang 100,000 na crew members naman ng cruise ships ang hindi pa nade-deploy, giit ni Lusotan.

“‘Pag nagpositibo sila sa barko, pinapababa, pinapabalik, nire-repatriate… Dapat, sigurado na ang sasampa, kung wala pang bakuna, ay negative sila sa pagsampa nila,” sabi nito.

Ang mga Pilipinong manlalayag ay kabahagi ng sub-group A4 sa listahan ng Covid-19 vaccine priority groups ng Pilipinas.

LATEST

LATEST

TRENDING