Donaire, muling naging kampeon sa pamamagitan ng KO

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Nonito Donaire

Nagtagal lamang ng apat na rounds bago muling maging ganap na kampeon ang Pilipinong boksingero na si Nonito Donaire.

Napanalunan ni Donaire ang WBC bantamweight title sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California kung saan kabilang din ang Pilipinong boksingero na si Mark Magsayo, mga miyembro ng grupong Black Eyed Peas, at iba pang mga Pinoy.

Pinatumba ni Donaire si Nordine Oubaali nag dalawang beses sa ikatlong round bago tapusin ang laban sa ikaapat na round.

“I’ve proven to the world — I’m back and I’m stronger than ever,” ani Donaire.

“I knew it wasn’t going past six rounds, not because I was cocky. I was confident in my ability to know exactly what I need to do in there, the strategy we put together,” dagdag pa ng “The Filipino Flash”.

LATEST

LATEST