Quarantine restrictions sa NCR Plus, posibleng luwagan sa Hunyo: Malacañang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Lisa Marie David (Reuters)

Malaki ang posibilidad na luwagan ang quarantine restrictions NCR Plus bubble, na kinabibilangan ng Metro Manila at apat na karatig lalawigan, sa Hunyo, ayon sa Malacañang noong Huwebes.

Ito ay batay sa nakalap na datos mula sa two-week attack rate, daily attack rate, at hospital care utilization rate sa naturang rehiyon, na ginawang basehan para sa pagdedesisyon ng quarantine classifications, sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, “There’s a likelihood that the quarantine classifications might be relaxed on the basis of formula but subject to the recommendation of Metro Manila na any further reopening should be gradual.”

Samantala, inirekomenda naman ng OCTA Research Group ang pagpapalawig ng GCQ status sa NCR Plus nang dalawa pang linggo bamaga’t bumaba na ang bilang ng Covid-19 cases sa Metro Manila.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, hindi pa akma ang panahon upang magtransisyon ang NCR Plus bubble sa modified GCQ sa susunod na buwan, dahil sa nananatiling mataas na bilang ng Covid-19 cases.

LATEST

LATEST