Pasay mayor, itinangging nagkaroon ng ‘special treatment’ para sa Covid-19 vaccination ng Chinese nationals

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Pasay City Public Information Office Facebook page

Sinabi ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano noong Biyernes na hindi tataas sa 100 Chinese residents ang nabakunahan kontra Covid-19 matapos sumailalim ang mga ito sa tamang screening process.

“Dito po, dahil kaunti pa lang naman talaga ang bakuna, siguro wala pa po silang 100,” ani Calixto-Rubiano.

Ayon sa alkalde, ang mga binakunahang Chinese nationals ay senior citizens o may mga comorbidities (A2 at A3 groups).

Sila ay napatunayan umanong “bona fide residents” ng lungsod matapos magpakita ng mga karampatang dokumento bago ang vaccination.

Itinanggi rin ng alkalde na nagkaroon ng “special treament” para sa nasabing Chinese nationals.

Aniya, “Wala naman po dahil ang aming pagbabakuna ay very transparent at talaga namang sumusunod kami sa pinaguutos ng IATF (Inter-Agency Task Force) at ng DOH (Department of Health).” 

Iginiit ng Pasay mayor na kahit sinong dayuhan na kabilang sa top priority vaccination group ay maaari ring makakuha ng bakuna, basta’t residente ito ng lungsod.

LATEST

LATEST