Pagpapababa ng height requirements para sa uniformed personnel, isinabatas ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pinirmahan upang maging ganap na batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang layong baguhin ang height requirements para sa kapulisan at iba pang uniformed personnel.

Ipasasawalang-bisa ng Republic Act No. 11549 o “PNP, BFP, BJMP and BuCor Height Equality Act,” ang kasalukuyang height limits para sa mga aplikante ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at Bureau of Corrections.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga babaeng aplikante at kinakailangang hindi bababa sa height na 1.52 meters (5’0″), habang ang mga lalaking aplikante naman ay kinakailangang magkaroon ng height na hindi bababa sa 1.57 meters (5’2″).

Sa dating batas, nakasaad na dapat hindi bumababa ang height ng mga lalaki at babaeng aplikante sa 1.62 meters (5’4″) at 1.57 meters (5’2″).

LATEST

LATEST

TRENDING