DOH, binabaan ang Covid-19 vaccination target ngayong taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Alex Kraus (Bloomberg)

Binabaan ng pamahalaan ang Covid-19 vaccination target nito dahil sa kakulangan ng bakuna sa buong mundo, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH) noong Miyerkules.

Mula sa inisyal na target na 70% ng populasyon o 70 milyong katao sa dulo ng taon upang maabot ang herd immunity, sinabi ni  DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na ibababa ito sa 50% hanggang 60% sa pamamagitan ng pagpopukus sa Metro Manila.

“We were looking before at targeting 70 million na Filipinos by end of this year or early next year. Medyo ni-refocus natin ito at ang target natin ay about 50 to 60%. Naka-concentrate iyan sa NCR Plus para mas mapabilis,” paliwanag ng opisyal sa isang media briefing.

Kung bumuti ang sitwasyon sa global suplay, puwede naman umanong maabot ng Pilipinas ang inisyal na target nitong 70 milyong Pilipino sa dulo ng taon.

Subalit, mas posible aniya ang ganitong pangyayari sa 2022, ayon naman kay DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING