Duterte, nagbabala sa mga LGUs laban sa paghingi ng eksklusibong suplay ng Pfizer vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagbabala noong Miyerkules si Pangulong Rodrigo Duterte sa local government officials laban sa paghihiling na bigyan sila ng partikular na Covid-19 vaccine brand.

Ayon sa Pangulo, walang sapat na suplay ng Pfizer Covid-19 vaccines ang bansa, kaya’t hindi ito maibibigay sa mga nanghihingi.

“But yung mga tao na would like to demand Pfizer at walang iba, ay hindi pupuwede ‘yan. Kasi hindi naman lahat ng dumating sa atin Pfizer. It could have been another story kung ang Pfizer exclusive sa atin dumarating, ” giit ni Duterte.

Karamihan sa suplay ng bakuna sa Pilipinas ay nanggaling sa Sinovac ng China na tinatayang nasa 5.5 milyong doses. Mas konti naman sa 200,000 Pfizer doses ang natanggap ng bansa.

Ayon kay Duterte, hindi niya papayagan na iilan lamang ang makikinabang sa Pfizer brand sapagkat may mga maiiwan ding kailangang mabakunahan nito.

Aniya, “If you begin to demand exclusive ‘yung Pfizer sa inyo, how about the others? Eh kung ubusin ninyo ang Pfizer para sa inyo lang, wala na ang iba . . . Exclusion of other Filipinos. Kaya hindi ho puwede ‘yan. Kailangan talaga i-mixed ‘yan, at saka ‘yung blind ‘yung tao sa anong ibinibigay. Basta may bakuna, period.”

Ang pagiging mapili umano sa vaccine brand ay makapaghihiyat din sa iba na maging mapili.

“Kung kayo lang ang may gusto tapos ‘yung iba hindi mapagbigyan, paano ‘yung ibang Filipino? When you begin to be selective, the others will also begin to be agitated about the potency na pareho naman sana sa iba. They will also demand Pfizer. How about the other Filipinos in Visayas and Mindanao? Hindi natin sila mabigyan,” wika ng Pangulo.

“Kung sana maraming Pfizer tapos hindi maibigay sa inyo, you have all the reason to complain. But if it is a limited number, tapos gusto ninyo sa inyo lang, hindi puwede ‘yan,” dagdag pa nito.

Ipinag-utos ng Pangulo sa mga lokal na pamahalaan na huwag i-anunsyo sa publiko ang gagamiting Covid-19 vaccine brands sa vaccination sites.

LATEST

LATEST

TRENDING