Duterte, balak ipakulong ang mga dadalo sa mass gatherings

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Ang sinumang lalahok sa mass gatherings, na ipinagbabawal ngayong panahon ng Covid-19 pandemic, ay ipakukulong, babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang taped speech na umere noong Miyerkules.

Ayon sa Pangulo, hahanap siya ng batas na magpapahintulot sa kapulisan upang arestuhin at i-detain ang mga dadalo sa mass gatherings.

Ito ay matapos ihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi bababa sa tatlong mass gatherings ang naganap sa NCR Plus – na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna.

Ang naturang gatherings ay nangyari sa isang resort sa resort sa Caloocan City kung saan apat ang nagpositibo sa Covid-19; isang pool party sa Quezon City kung saan nahawa ang 54 katao; at isa sa isang ilog sa Bulacan.

“Most of you are committing a crime because you know that after gathering, after swimming together, a lot of you will get positive for COVID-19,” giit ni Duterte.

“It seems you’re ignoring the government’s plea and it’s criminal for you to get COVID-19 and pass it on to another innocent person. It is really a crime,” pagbibigay diin ng Pangulo.

Aniya, “I will look for a suitable law because you are now forcing my hand to get into this thing and control it.”

LATEST

LATEST

TRENDING