Duterte, hindi ikinatuwa ang mga naganap na patayan sa Negros Oriental: Roque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Hindi ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kamakailang mga patayan sa Negros Oriental, na binisita niya ngayong linggo, ayon sa Malacañang noong Martes.

Nakipagpulong ang Pangulo sa regional peace and order council sa Dumaguete City, Negros Oriental noong Lunes hinggil sa mga naturang mga pamamaslang.

“Nagparating po ng mensahe ang ating Presidente that he is ‘appalled’ doon sa mga patayan na nangyayari sa Negros Oriental,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing.

“Ang sinabi po ng Presidente is he will be completely neutral. Pero gagampanan ng estado ang obligasyon na imbestigahan, litisin at parusahan ang mga tao na pumapatay sa Negros Oriental,” dagdag pa ni Roque. 

Ayon sa isang media report, apat na “informers” umano ng pamahalaan ang pinatay sa loob ng kanilang mga tahanan sa Guihulngan City, Negros Oriental noong Mayo 14.

Noong Marso, hindi bababa sa 10 rebelde ang naiulat na nasawi bunsod ng putukan sa pagitan ng mga rebelde at sundalo sa lungsod.

Ipinag-utos ni Duterte sa environment department na lutasin ang “conflicting claims to untitled lands” na hindi umano’y konektado sa nasabing mga pamamaslang, ayon kay Roque.

Ipinag-utos din umano ng Pangilo sa Department of Agrarian Reform (DAR) na bilisan ang distribusyon ng lupa sa mga magsasaka, upang maiwasan ang rebelyon.

“Ang sabi po ng Presidente, everything else being equal, resolve these disputes in favor of the poor,” sabi ni Roque.

LATEST

LATEST