Pagpili ni Duterte sa Chinese vaccines, makapagpapaigting ng public confidence: Palasyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang pagkiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpaturok ng Covid-19 vaccine mula sa Sinopharm ng China ay makapagpapaigting umano ng public confidence para sa mga bakunang gawa sa naturang bansa, giit ng Malacañang noong Lunes.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang tanungin upang ipaliwanag kung bakit pinagsabihan ng gobyerno ang mga Pilipino na huwag maging mapili sa mga bakuna, habang nakapili ng brand ang Pangulo, kung saan hindi pa ito aprubado para sa emergency use.

“Let’s put it in context. Hindi po namili ang Presidente ng stateside na brand. Ang pinili po niya ay Chinese brand at ang problema natin ngayon, tila marami talagang gusto stateside na mga bakuna,” ani Roque sa isang press briefing. 

“I think iyong pagpapabakuna ni Presidente ng Chinese vaccine will also bolster confidence doon sa mga Chinese-made vaccines,” dagdag pa ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING