DOH, gumastos ng P400-M bilang pasahod sa higit 3000 vaccinators

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula: AsiaTatler

Gumastos ang Department of Health (DOH) ng nasa P400 milyon para sa hiring ng higit 3,000 vaccinators na may mga kontrata hanggang Hunyo.

Gayunpaman, tiniyak ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naglaan na umano ng pondo ang ahensya para sa rehiring ng mga vaccinators kapag natapos na ang kanilang mga kontrata sa susunod na buwan.

“Nakapaghire na tayo ng additional vaccinators, at dito, gumastos tayo ng about almost P400 million to hire more than 3,000 vaccinators and their contracts (will) end in June,” ani Vergeire sa isang online press noong Biyernes.

Bukod pa sa karagdagang bilang ng vaccinators, nakikipag-coordinate din umano ang DOH sa pribadong sektor na inalok ang kanilang healthcare workers para sa Covid-19 vaccination.

“So dito natin masasabi na sapat naman pati ang ating sites at healthcare workers na magbabakuna sa ating mga kababayan,” dagdag pa ni Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING