DOH, sang-ayon sa pagtatalaga ng walk-in lanes sa Covid-19 vaccination sites

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Hinikayat ng Department of Health (DOH) noong Biyernes ang mga local government units (LGUs) na magtalaga ng walk-in lanes sa Covid-19 vaccination centers para sa mga nagnanais mabakunahan ngunit hindi pa naka-schedule.

Unang hinimok ng national government ang publiko na iwasan ang pagdagsa sa vaccination centers kung hindi naman naka-schedule pang maiwasan ang pagtitipon-tipon ng mga tao nang maiwasan ang paglaganap ng Covid-19.

“Kung ito ay makakatulong, maaari nating gawin ‘yan,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online press conference.

“Organized dapat ‘yan na hinihiwalay mo ‘yung mga naka-walk in dun sa mga naka-schedule.”

“Dapat may target number lang for a day kung ilan lang ‘yung walk in nila para hindi nagkakaroon ng crowding sa vaccination sites,” giit ni Vergeire.

Inaanyayahan din ang LGUs na gumawa ng “quick substitution lists” upang matiyak na maipamamahagi pa rina ang mga bakuna kahit na hindi sumipot ang mga naka-schedule na mabakunahan.

Aniya, “Kapag hindi dumating ‘yung masterlisted mo on the specific day na babakunahan siya, meron ka dapat agad-agad na matatawag para mabakunahan para hindi masayang ‘yung doses ng binuksang bakuna.”

“Dapat yung ‘yung pinakamalapit na barangay sa vaccination site para isang tawag lang, makakapunta na agad itong nasa quick substitution list,” dagdag pa ng opisyal.

LATEST

LATEST

TRENDING