Malacañang: Pfizer Covid-19 vaccines ng PH mula COVAX, ilalaan para sa mahihirap

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang Pfizer Covid-19 vaccine supply ng Pilipinas na nagmula sa COVAX Facility ay mapuputa sa mga mahihirap na Pilipino, pahayag ng Malacañang noong Huwebes.

Nai-deliver na sa bansa ang 193,000 doses ng nasabing bakuna mula sa COVAX ng United Nations. Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaasahan naman ang pagdating ng karadagang 2.2 milyong doses ngayong buwan.

Aniya, “Ipinag-utos din po ng Pangulo na ibigay ang Pfizer sa mga mahihirap or sa indigent population dahil ‘yan po ang patakaran ng COVAX.”

Nasa 16 milyong Pilipino ang kabilang sa “A5,” o ikalimang priority group sa Covid-19 vaccination program ng Pilipinas.

Ang COVAX ay nagsusuplay ng mga bakuna para sa mahihirap at sa top 3 priority groups, o health workers, may edad, at mga may health risks. Ang essential workers o “A4,” ang ikaapat na priority group ay hindi kabilang sa alokasyon ng COVAX, paliwanag ni Roque.

“Dagdag ni Presidente, ilagay ang Pfizer hindi sa mga mall, kundi sa vaccination sites ng mga barangay kung saan mababa ang takeup ng vaccines,” ani Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING