Duterte, birtuwal na dadalo sa Nikkei Conference

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Lalahok sa Biyernes si Pangulong Rodrigo Duterte sa Nikkei Future of Asia Conference, kung saan ibabahagi nito ang mga ginagawa ng pamahalaan upang labanan ang Covid-19 pandemic, pahayag ng Malacañang noong Huwebes.

Magsasalita ang Pangulo sa Tokyo-based gathering sa ikalawang pagkakataon, subalit sa pamamagitan lamang ng video conferencing sa ngayon. Noong 2019, lumipad si Duterte, kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno, patungong Japan upang dumalo sa nasabing event.

“In his address the President will advance Philippine views and positions on on the ongoing global fight against the COVID-19 pandemic and what needs to be done to achieve full recovery,” sabi ng Palasyo.

“This is in line with the theme ‘Shaping the Post-COVID Era: Asia’s Role in the Global Recovery’,” dagdag pa nito.

Ang naturang conference, na nagbukas noong Huwebes, ay pagtitipon ng iba’t-ibang lider sa Asia Pacific at mga pinuno ng international institutions upang talakayin ang mga isyu sa rehiyon.

LATEST

LATEST

TRENDING