DILG, ipinag-utos na LGUs na huwag inanunsyo ang ituturok na Covid-19 vaccine brand

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Avito C. Dalan (PNA)

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Huwebes sa mga local government units na iwasan ang pag-aanunsyo ng vaccine brands na gagamitin sa isang partikular na vaccination center upang mapigilan ang mass gatherings.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang nasabing kautusan ay nakabatay sa rekomendasyon ng Department of Health.

Ito ay matapos dumugin ng libu-libong residente ang vaccination sites na nag-aalok ng Pfizer Covid-19 vaccines.

“Maybe one of the strategies that can be made is, hindi na ia-announce kung anong bakuna ang ibibigay. So kung gusto ninyong magpabakuna, pumunta kayo sa ganitong facility, at kung anong bakunang available, yun ang dapat kunin nila,” ayon naman kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang naunang pahayag.

Sinang-ayunan din ito ni dating government task force adviser Dr. Tony Leachon, sapagkat posible umano itong maging mitsa ng malawakang hawaan.

Ipinaliwanag ni Año na bagama’t hindi papayagan ang mga LGUs na inanunsyo ang gagamiting vaccine brand, ipagbibigay-alam pa rin sa babakunahang indibidwal ang brand na ituturok sa kanya pagkarating sa site.

“The person will be informed of the brand in the vaccination center and he will have to give his informed consent but if he refuses, he will have to go back to the back of the line,” pahayag ng kalihim.

“The best vaccine is the one that is available; therefore in order to overcome brand preference, LGUs should not announce the brand of vaccine to be used in vaccination centers,” dagdag pa ni Año.

LATEST

LATEST

TRENDING