
Inihayag ni Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana na nakatakdang dumating sa bansa ang karagdagang 500,000 doses ng Sinovac Covid-19 vaccine na gawang China sa Huwebes.
Aniya, “Another shipment of 500,000 doses of Sinovac vaccines is scheduled to arrive in the Philippines on Thursday, May 20, 2021.”
Ayon kay Sta. Romana, ito na ang huling bugso ng Sinovac vaccines na binili ng pamahalaan na darating ngayong Mayo.
“More vaccines from Sinovac are expected to be purchased in June and the following months,” dagdag pa nito.