Robredo, tumanggap ng unang dose ng AstraZeneca Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Facebook account ni Vice President Leni Robredo

Tumanggap noong Miyerkules si Vice President Leni Robredo ng kanyang unang dose ng AstraZeneca Covid-19 vaccine sa Quezon City.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Robredo na nabakunahan siya kasama ang iba pang staff ng kanyang opisina, na nasa ilalim ng A3 priority group o persons with comorbidities, sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City.

“Done with my 1st dose of the vaccine. Now being monitored. Everything has been seamless,” ani Robredo.

“We booked at QC Protektodo site via EZ Consult last May 13 for an appointment today. 18 of us from OVP [Office of the Vice President], all A3s went together. Yung ibang mga kasama ko today yung mga nag urong sulong nung nakaraan,” dagdag pa ng Pangalawang Pangulo.

Unang ibinunyag ni Robredo na mayroon siyang hypertension.

Aniya, “Magbakuna na din kayo para protektado kayo at ang lahat ng nakakasalamuha niyo. Tingnan niyo yung group pic namin. Maraming takot sa umpisa pero may konting yabang na nung nagpakuha ng litrato.”

LATEST

LATEST

TRENDING