PH herd immunity vs. Covid-19, posibleng umabot ng 5 taon sa kasalukuyang vaccination rate

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Sang-ayon ang isang public health expert para sa brandless vaccinations at pagbibigay prayoridad sa vaccination ng Metro Manila at mga karatig lalawigan upang makamtan ang herd immunity sa rehiyon.

Ayon kay Dr. Tony Leachon, dating adviser ng National Task Force Against COVID-19, sa kasalukuyang vaccination rate na 75,000 to 80,000 kada araw, magtatagal umano ng limang taon bago mabakunahan ang 70 percent ng populasyon para magkaroon ng herd immunity.

“The best approach is to achieve the NCR Plus herd immunity first because this is the business epicenter and this would comprise also 70 percent of the cases,” giit ni Leachon.

Samantala, unang sinabi ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez na kinakailangan ng pamahalaan na magbakuna nang 500,000 katao kada araw o 3 milyon kada linggo sa buong bansa upang maabot ang herd immunity sa dulo ng taon.Sa Metro Manila, kinakailangan umanong magbakuna nang hanggang 120,000 kada araw upang maabot ang itinakdang target.

Kinakailangan din umanong bilisan ng bansa ang pagbabakuna nito bago sumapit ang tag-ulan, diin ni Leachon.

Aniya, “I remember the surge was July and August last year. Baka maghahalo ang evacuation center from the vaccination center. So while it is summer, we have to speed up the vaccination… kasi pag nag-August na it will be really difficult.”

LATEST

LATEST

TRENDING