Duterte, nagbabala sa mga Pinoy na paghandaan ang ‘worst’ bunsod ng bagong Covid-19 variants

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na dapat paghandaan ng Pilipinas ang “worst” na sitwasyon ng Covid-19, habang patuloy ang paglaganap ng mas nakakahawang variants ng coronavirus sa buong mundo.

Ang pandemiya umano ay “mas mainit at mas delikado” bunsod ng bagong Covid-19 variants, giit ng Pangulo sa isang taped speech noong Lunes.

“We do not have a guarantee that the vaccines should forthcoming on time, na walang maraming mamamatay. And if it is more serious mutant, variant, we’ll just have to prepare for the worst,” paliwanag ni Duterte.

Idinagdag din ng Pangulo na sang-ayon siyang ibenta ang ilang pag-aari ng pamahalaan kung sakaling maubos ang pondo para sa Covid-19 response.

Aniya, “Kung medyo papalapit na at marami na tinatamaan, then we will go full blast in making everything operational.”

“With the advent of the new variants it is good to prepare for a more serious attack,” dagdag pa nito.

Kinumpirma ng Pilipinas ang hindi bababa sa 12 kaso ng Indian Covid-19 variant o B.1.617. Itinalaga ang nasabing variant ng World Health Organization (WHO) bilang a variant of global concern, kung saan mabilis umano itong makapanghawa.

LATEST

LATEST

TRENDING