DepEd, magbibigay ng 3 buwang internet load para sa public school teachers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: PNA

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na magbibigay ito ng tatlong buwang halaga ng internet load para sa mga public school teachers, kasabay nang pagpapatuloy ng distance learning ngayong panahon ng pandemiya.

Sinabi ni Education Undersecretary Alain Pascua na nagpro-procure ang ahensya ng load na makapagbibigay ng 30 to 35 gigabytes (GB) na data kada buwan para sa public school teachers. Ang distribusyon nito ay posibleng mag-umpisa sa Hunyo.

“We will begin to roll out siguro next month. We will be asking our teachers to register in DepEd Commons para mabigyan sila ng load sa kani-kanilang cellphone,” ani Pascua.

Ang mga data umanong hindi nagamit ay ikakarga sa mga susunod na buwan hanggang isang taon, hanggan sa maubos ang inilaang 100 GB.

“Ine-expect namin na napakarami ng magagawa mo sa bandwidth na ito. Ine-expect namin na higit tatlong buwan hanggang anim na buwan magagamit ng teacher itong connectivity load,” dagdag pa ni Pascua.

Ayon naman kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, naglaan umano ang ahensya ng P1.2 bilyon para sa nasabing programa.

Sinabi rin ng opisyal na papalitan nito ang naunang plano ng DepEd na magbigay ng P450 load allowance para sa mga guro.

LATEST

LATEST

TRENDING