Bagong Covid-19 variants, natuklasan sa mga umuuwing OFWs

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Apat na bagong Covid-19 variants ang na-detect sa 31 na nagsipag-uwiang overseas Filipino (OFWs) kabilang ang crew ng barkong MV Athens Bridge.

Inanunsyo ito ng Department of Health, University of the Philippines-Philippine Genome Center, at UP-National Health Institute noong Sabado.

May kabuuang 37 samples na na-sequence kung saan 31 sa mga ito ang nagtataglay ng apat na variants. Sa mga nagpositibo, 10 ang may B.1.617.2 variant, 13 ang may B.1.1.7 variant, 7 ang may B.1.351 at isa naman ang mayroong P.3 variant.

Ang B.1.617.2 ay unang natuklasan sa India, B.1.1.7 sa United Kingdom, B.1.351 sa South Africa, at P.3 naman sa Pilipinas.

Sa 10 B.1.617.2 carriers, isa ang manlalayag na galing Belgium habang ang 9 na iba pang creww members ay mula sa MV Athens Bridge.

Bumaba ang nasabing manlalayag sa Belgium at lumipad pabalik ng Manila mula United Arab Emirates (UAE). Dumating ito sa Pilipinas noong Abril 24 at nakumpleto ang mandatoryong isolation noong Mayo 13.

Ang apat na crew members naman ng MV Athens Bridge, na naka-admit sa isang ospital sa Manila, ay kasaluyang nasa stable condition na habang ang iba pang 5 ay nasa isolation facility naman.

Sa mga mayroong B.1.1.7 variant naman, isa ang nasawi habang 12 ang na-tag bilang recovered patients.

“While the government is implementing stricter border control measures, the DOH urges the public to strictly adhere to the minimum public health standards and immediately get vaccinated when it’s their turn. By following these measures, infection and further mutation of COVID-19 can be prevented.  A low transmission rate means fewer chances for the virus to mutate,” ayon sa anunsyo.

LATEST

LATEST

TRENDING