3 contacts ng OFW na may Indian variant, positibo sa Covid-19: DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Aaron Favila (AP Photo)

Tatlo sa close contacts ng isang overseas Filipino worker (OFW) na natuklasang nagdadala ng Indian Covid-19 variant, ang nagpostibo sa Covid-19, ayon sa Department of Health (DOH) noong Sabado.

Sa isang public press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga samples mula sa nasabing contacts ay ipinadala para sa genome sequencing upang matukoy ang variant.

Sinisikap pa ng DOH na hanapin ang dalawa pang ibang contacts ng nasabing OFW na dumating mula United Arab Emirates.

Sa 32 close contacts ng naturang OFW, 28 ang nagnegatibo sa nakamamatay na sakit, habang tinitingnan pa ng mga awtoridad ang datos ng isa pang tested contact. 

“So nakita na ho namin ang manifesto ng flight details, at katulad ng nai-report namin for case 1 who is the 37-year-old male, na tatlo po sa kanila ay nakita na po namin sa database, ay PCR-negative. Ang tatlo po hinahanap namin kasi hindi po nagma-match ang pangalan nila sa manifesto,” paliwanag ni Vergeire.

Pinalawig na ng Pilipinas ang travel ban kung saan kasama na ang United Arab Emirates at Oman upang masugpo ang pagpasok ng Indian variant, na mas nakakahawa kumpara sa iba pang Covid-19 mutations.

Magtatagal ang nasabing ban hanggang Mayo 31.

LATEST

LATEST

TRENDING