PH, pumirma ng term sheet sa Pfizer para sa 40-M Covid-19 vaccine doses

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Pumirma ang pamahalaan ng term sheet para sa procurement ng 40 milyong doses ng Pfizer Covid-19 vaccine, ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. noong Biyernes.

“Na-aprubahan po nila itong tinatawag natin na head of terms, nakapirma na po ang global ano po nila at ako po ngayon pati si Secretary Duque, we will sign it today,” sabi ni Galvez sa isang online forum tungkol sa hakbang ng pribadong sektor na pabilisin ang vaccine rollout sa bansa.

Nakasaad sa term sheet ang mga detalye ukol sa mga offers at conditions para sa suplay ng mga bakuna. Ang pagpirma sa dokumento ang second to the last step sa vaccine procurement process.

Mula doon, kailangan pang pumirma ng gobyerno ng final supply agreement sa Pfizer upang maisakatuparan ang aktwal na pagbili ng mga nasabing bakuna.

Ayon kay Galvez, ang karamihan sa suplay ng bakuna ng bansa ay ipamamahagi sa mga lugar na may pinakamataas na attack rate –  NCR Plus, Metro Cebu, at Metro Davao.

Palalawigin naman ang vaccine allocation sa mga lugar na may pagtaas sa bilang ng mga kaso kabilang ang Regions 3, 4, Baguio, at Zamboanga City.

Sa bahagi naman ng pribadong sektor, limang healthcare provides ang nangakong maglalaan ng 25 vaccination sites sa NCR Plus, Batangas, at Pampanga na may combined capacity na 150,000 shots per day.

Nangako rin ang Megaworld at SM have ng 48 mall locations nationwide na gagamitin bilang vaccination sites.

“Vaccination really is our way out of all of this and the faster, the quicker and the more coverage that we’re able to do, the faster we’ll be able to get out of this,” pahayag ni dating Health Secretary Manuel Dayrit sa parehong forum.

LATEST

LATEST

TRENDING