DOH, tutol sa pag-iisyu ng ‘vaccine passes’ para sa mga customers ng establisyimento

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Hindi sinasang-ayunan ng Department of Health ang mungkahi na mag-isyu ng “vaccine passes” para sa mga fully-vaccinated na mga mamamayan upang makapagpapasok ng maraming customers ang mga establisyimento.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Biyernes na wala pang sapat na ebidensiya upang patunayan na ang taong nabakunahan na ay hindi na mahahawa sa Covid-19 o makapanghahawa pa ng iba.

“Hindi po kami sang-ayon sa ganyang pagpapalakad o kaya magkakaroon tayo ng ganyang mga proseso… Kaya sa ngayon po, even if you completed two doses, kailangan pa rin magpatupad ng health protocol. Ang sinasabi na vaccine pass ay hindi pa rin mairerekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan,” paliwanag ni Vergeire sa isang media briefing.

Unang iminungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang paggamit ng “vaccine pass” upang mapayagan ang mga negosyo na palawakin ang kanilang operasyon, na nananatiling limitado sa ilang bahagi ng bansa dahil sa quarantine restrictions.

LATEST

LATEST

TRENDING