Roque, iginiit na patuloy siyang magsasalita tungkol sa West PH Sea bagama’t may mga pumupuna

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Huwebes na patuloy siyang magsasalita tungkol sa West Philippine Sea bagama’t binatikos ng ilang mga senador at ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.

Unang inihayag ni Roque na ang Julian Felipe Reef, kung saan namataan ang higit 200 Chinese ships noong Marso, ay “hindi” napasakamay ng Pilipinas, at hindi rin umano ito bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
 
Bilang pagtugon, pinagsabihan naman ni Locsin si Roque na huwag nang magsalita tungkol sa isyu sapagkat trabaho niya ito.

“We are fine,” ani Roque sa isang press briefing, tungkol sa relasyon nila ni Locsin.

“Nagkasundo rin po kami na patuloy pa rin na dapat ako ay magsalita sa larangan ng international law,” giit nito.

Samantala, ang naging pahayag ni Roque ay hindi ikinatuwa ng dalawang mambabatas.

“Is Roque getting his salary from China?” tanong ni Sen. Kiko Pangilinan.

Hinikayat naman ni Sen. Koko Pimentel, isang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang executibe branch na sundin ang “script” na sinulat ng DFA.

“Namumulitika lang po sila,” diin ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING