Indian Covid-19 variant, natuklasan sa PH: DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang Covid-19 variant na unang natuklasan sa India ay nasa Pilipinas na.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online press briefing noong Martes na ang B.1.617 variant ay na-detect mula sa dalawang indibidwal sa bansa matapos ang genome sequencing.

Sinabi rin ni Dr. Alethea De Guzman, director ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH), na ang dalawang positive samples ay kabilang sa 46 specimens na sumailalim sa huling busgo ng genome sequencing.

Sa 46 samples, 23 naman ang natagpuang positibo para sa B.1.351 variant na unang natuklasan sa South Africa at apat naman para sa B.1.1.7 variant na unang natuklasan sa United Kingdom.

Ayon kay De Guzman, isa sa ROFs (returning overseas Filipinos) ay isang 37-anyos na sea-based overseas Filipino worker (OFW) na kasalukuyang nasa Soccsksargen. Dumating ito ng bansa mula Oman noong Abril 10. Ang kanyang specimen ay nakolekta para sumailalim sa testing noong Abril 15.

Na-isolate ito sa isang hotel sa Metro Manila pagkarating at nakarekober noong Abril 26. Sumailalim din ito sa additional home quarantine sa Soccsksargen hanggang Mayo 10. Ang kanyang repeat RT-PCR test ay isinagawa noong Mayo 3, kung saan nagnegatibo ito sa virus.

“The case is already well and remained asymptomatic,” ani De Guzman.

Samantala, ang ikalawang ROF ay isang 58-year-old sea-based OFW na kasalukuyang nasa Bicol Region.

Dumating ito mula United Arab Emirates noong Abril 29. Kinolekta ang kanyang samples noong Abril 29. Nag-isolate umano ang nasabing pasyente sa isang temporary treatment facility sa Clark, Pampanga at idineklarang recovered noong Mayo 6.

LATEST

LATEST

TRENDING