Duterte, pinag-iisapang mag-resign kung ‘di maibigay ang kapayapaan sa Mindanao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes na pinag-iisipan niyang mag-resign kung hindi niya maibibigay ang  “barest minimum” ng kapayapaan sa Mindanao matapos ang kamakailangang kaguluhan sa isang bayan sa Maguindanao.

“Pag ganun ang gobyerno, mag-resign na lang ako sa totoo lang. Hindi ako atat na atat talagang maging Presidente but if I cannot at least [give] the barest minimum of a peaceful place, then I have no reason to stay. It would be a failure,” ani Duterte sa isang speech bago ang mga sundalo sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

“Wala akong magawa e, I must be frank enough and be humble that you know, sorry. Sinubukan ko lahat, di umubra,” dagdag pa ng Pangulo.

“Is that the kind of government that I can give to the people? Sabi ko kung hindi ko kaya, p**** i** magreresign ako. Then you can demand my resignation and maybe I will consider it,” pagbibigay diin ni Duterte.

Ibinahagi rin ng Pangulo na ikinalungkot niya ang kamakailang insidente sa Maguindanao.

Aniya, “I am moved to tears to see what is really happening. It’s pure carnage. The ultimate beneficiaries of the violence created here are the civilians.”

Noong Mayo 8, higit 100 gunmen mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nag-okupa sa bayan ng Datu Paglas sa Maguindanao, kung saan simiklab ang palitan ng putok sa pagitan ng nasabing grupo at ng mga sundalo.

Muling nabawi ang bayan matapos ang anim na oras na stanoff. Wala namang naiulat na nasawi mula sa pangyayari.

LATEST

LATEST

TRENDING