Unang batch ng Pfizer Covid-19 vaccines sa PH, ibibigay sa Metro Manila, Cebu, at Davao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Dado Ruvic (Reuters)

Ang unang batch ng Pfizer Covid-19 vaccines, na darating sa bansa sa Lunes, ay ipamamahagi sa Metro Manila, Cebu, at Davao, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Lunes na ang mga nabanggit na lugar ay makapaghahawak nang maayos sa mga nasabing bakuna, na kailangang ilagak sa napakamababang temperatura upang mapreserba ang efficacy ng mga ito.

Ang Pfizer Covid-19 vaccines sa dapat i-store sa temperaturang -70 degrees Celsius.

“Ito ay ‘yung may mga subok na at napatunayan natin, based sa simulation activities, na yung ultra-low freezer nila at saka ‘yung handling ay makakaya at hindi magkakaroon ng wastage,” ani Vergeire sa isang online media forum.

Inaasahang makatatanggap ang Pilipinas ng nasa 193,000 doses ng Pfizer vaccine.

LATEST

LATEST

TRENDING