Roque, hinamon si Robredo sa isang debate tungkol sa West PH Sea isyu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque at Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Hinamon noong Lunes ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang debate si Pangalawang Pangulo Leni Robredo tungkol sa isyu kung ibinigay nga ba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa China.

Tulad umano ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, sinabi ni Roque na isa rin si Robredo sa mga nagsasabing nawalan ng teritoryo ang bansa sa ilalim ng Duterte administration.

“Ang importante po yung debate, VP,” ani Roque sa isang online briefing nang tinanong kung ano ang komento nito sa naging pahayag ni Robredo na mabuti sana kung natuloy ang debate nina Carpio at Duterte upang magkaroon ng diskurso hinggil sa importanteng isyu sa West Philippine Sea.

“Kung talagang ayaw ni Associate Justice na makipagdebate sa ordinaryong abogado gaya ko dahil siya ay retiradong mahistrado ng Supreme Court, tayo po, magdebate po tayo kasi gaya ni Associate Justice Carpio, wala pong tigil ang pgsabi niyo na nagbigay ng teritoryo ang Presidente,” giit ni Roque.

“Dahil wala ring tigil si VP Leni, baka gusto nya kaming dalawa na lang,” dagdag pa nito.

Umatras si Duterte mula sa pakikipagdebate kay Carpio, kung saan ang Pangulo mismo ang naghamon nito. Sa halip, itinalaga niya si Roque para humalili sa kanya,

Samantala, tinanggihan naman ni Carpio na makipagdebate kay Roque hinggil sa “pointless” na mga isyu.

“Once and for all, meron dapat tumayo sa hanay ng oposisyon para magdebate kung talagang ang Presidente Duterte ang namimigay ng teritoryo sa Tsina o kung ibang mga administrasyon,” wika ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING