Duterte, tinawagan si Xi para humingi ng Covid-19 vaccines, ‘di tinalakay ang West PH Sea isyu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na humingi siya ng Covid-19 vaccines mula kay Pangulong Xi Jinping ng China, subalit idiniin nitong hindi nila pinag-usapan ang mga isyu sa West Philippine Sea.

“Ito for public consumption na ito. Tumawag ako kay President Xi Jinping, sinabi ko kasi noong kasagsagan ng walang dumating, walang makapkap si Secretary (Carlito) Galvez (Jr.), sabi ko, ‘Mr. President (Xi),  I would like to ask for your help until now Philippines is at a loss to get vaccines,'” ani Duterte.

“Sabi niya (Xi), ‘it’s okay we will help you.’ Ganoon lang. Hindi naman sinabi na kalimutan ang Scarborough Shoal… Sinabi niya lang as simple as that,” dagdag pa ng Pangulo.

Nanatili ito sa kanyang unang pahayag na may utang ang Pilipinas sa China, subalit hindi umano ito dahilan upang isakripisyo ang teritoryo ng bansa.

“It is never wrong to admit a debt of gratitude but it would be wrong as an excuse to maybe retreat. There will be no compromise. Alam ng China yan,” sabi ni Duterte.

“Hindi ito kabayaran. Iba ito. This is Philippine national interest, this is not a health issue that nagpasalamat ako,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa isang naunang talumpati, inihayag ni Duterte na may utang na loob ang Pilipinas sa China, dahil sa mga ibinigay nitong Sinovac vaccines noong Marso.

LATEST

LATEST

TRENDING