Balak ni Duterte na mag-jet ski papuntang Spratlys noong 2016, ‘pure campaign joke’ lamang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte
Larawan mula sa: Manila Bulletin

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na ang kanyang ipinangako noong 2016 na pagsakay sa jet ski patungong Spratly Islands, kung saan magtatanim umano siya ng watawat ng Pilipinas, ay “pure campaign joke” lamang.

“Panahon ‘yan sa kampanya ‘yan. At saka ‘yung biro na ‘yun, ‘yung bravado ko, it was a pure campaign joke at kung naniniwala kayo sa kabila, I would say you are really stupid,” paliwanag ni Duterte sa kanyang regular public address noong Lunes.

Ayon sa Pangulo, ginusto naman niyang tuparin ang kanyang ipinangako, kung saan bumili pa umano siya ng second-hand jet ski bago napag-alamang imposible ang kanyang binabalak dahil sa pagkaubos ng gasolina at sa banta ng matataas na alon.

“Nagplano ako niyan. Bumili ako ng jet ski, ang kaya ko second hand lang. So nag order ako ng piyesa, hanggang ngayon hindi pa dumating since then. Walang dumating eh wala akong magawa,” giit ni Duterte.

“Sige, maghanap ka ng tao dito magpunta ng jet ski. Aabot pa ng ilang oras, I would conk out in the middle of the sea. Sabi nila, ang alon pala diyan, kasinglaki ng dagat,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi rin ni Duterte na takot siyang mamatay sapagkat hindi aniya siya marunong lumangoy kung sakaling patataubin ang kanyang sinasakyang jet ski ng rumaragasang mga alon.

“Sabi ko, mahirap ito. Sabihin ko na lang balang araw na inabot ako ng takot. Wala akong magawa. Takot akong mamatay. Alam ba ninyo na hindi ako marunong maglangoy? Eh kung matumba yang yawa na ‘yan, magkakapa kapa na ako. By this time, I would’ve been the late Rodrigo Duterte,” wika ni Pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING