Robredo, nababahala sa utos ni Duterte na arestuhin ang face mask violators

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Vice President Leni Robredo

Sinabi ni Vice President Leni Robredo noong Linggo na ang mga taong hindi magsusuot ng face masks nang tama ay hindi dapat arestuhin “by default,” taliwas sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo sa kanyang regular na programa sa radyo, nalilito siya kung bakit isinusulong ng gobyerno ang pag-aresto, na hindi umano makabubuti sa laban ng bansa kontra Covid-19.

Aniya, “Hindi ko alam kung bakit iyong bukambibig natin aresto.”

“Hindi nakakatulong na ang default natin, aresto. Unang una, ang sitwasyon nga sa mga jail natin, grabe. Mag-aaresto ka kasi gusto mong i-protect iyong mga tao, pero lalong counterproductive iyon eh,” paliwanag ng Pangalawang Pangulo.

Dapat umanong paalalahanan ang publiko sa halip, at kung magmamatigas, ang mga violators ay pag-uutusan na mag-community services o magbayad ng multa.

Aniya,  “Para sa akin, iyong multa, iyon na iyong mas later step. Iyong sa akin, mag-warning, turuan. Kapag matigas talaga iyong ulo, saka isipin kung ano iyong mga puwedeng penalties na ibigay.”

“Kung matigas talaga iyong ulo, eh ‘di siguro mayroong — gaya ng sabi ni Justice Secretary Guevarra, community service,” giit nito.

Binigyang diin ng ng opisyal na may mga prominenteng indibidwal na lumabag sa protocols ang hindi inaresto.

“Alam natin na mayroong malalaking tao na mas malalaki din iyong mga naging infraction na hindi naman inaresto. So maling … parang maling response,” ani Robredo.

LATEST

LATEST

TRENDING