Carpio tungkol kay Duterte: ‘Siya ang humamon’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinagkibit-balikat ni Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na umatras sa debate tungkol sa mga isyu kaugnay ng West Philippine Sea.

Subalit, idiniin ni Carpio na si Duterte ang naghamon at hindi siya.

Aniya, “Siya ang humamon, tinanggap ko yung hamon para lahat ng tao can understand kung ano ang issue sa West Philippine Sea.”

Unang hinamon ng Pangulo ang dating mahistrado sa isang debate matapos akusahan si Carpio at si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na sangkot umano sa pagbawi ng mga Pilipinong barko sa Scarborough Shoal walong taan na ang nakararaan.

Subalit, sina Carpio at Del Rosario ay kabahagi ng pangkat na nagsulong ng arbitration case laban sa China hinggil sa panghihimasok nito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa South China Sea noong 2013.

Tinanggap ni Carpio ang hamon, subalit umatras naman kinalaunan si Duterte matapos hikayatin ng mga miyembro ng Gabinete, Senate President Vicente Sotto III, at Sen. Koko Pimentel na huwag nang ituloy ang naturang debate.

Itinalaga sa halip ng Pangulo si Presidential Spokesperson Harry Roque na papalit sa kanya.

“Maganda sanang okasyon iyon para we will all be educated kaya lang umatras siya. Hindi naman ako ang humamon, siya naman,” ani Carpio.

“Privilege niya iyon, kung gusto niyang umatras, umatras siya,” giit ni Carpio.

LATEST

LATEST

TRENDING