Sinas, bibigyan umano ni Duterte ng bagong trabaho ayon kay Año

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Police Major General Debold Sinas

Kasunod ng pagbaba ni Police Major General Debold Sinas bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año noong Biyernes na bibigyan umano ito ng panibagong trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Año sa ginanap na change of command ceremony sa Camp Crame, kung saan opisyal na nagretiro si Sinas mula sa PNP.

Aniya, “Hangad naming magampanan mo pa ang mga tungkuling iyong pansamantalang naisantabi at magkaroon ka ng sariling oras para sa pamilya at iba pang bagay na nais mong gawin pero ang narinig ko noong isang gabi kay Pangulong Duterte, ikaw raw ay bibigyan ng bagong trabaho.”

Hindi naman ibinunyag ng kalihim kung ano ang nasabing trabahong ibibigay.s

Si Sinas ay itinalaga bilang PNP Chief noong Nobyembre 2020. Siya naman ay pinalitan ni Lt. General Guillermo Eleazar.

Naging kontrobersyal ang dating PNP Chief dahil sa pagdaraos ng “mañanita” sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong nasa ilalim pa ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Luzon.

LATEST

LATEST

TRENDING