Mga galing ng Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, o Pakistan, bawal munang pumasok sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Pansamantalang nagpatupad ng travel ban ang pamahalaan para sa mga biyaherong galing Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, at Pakistan upang mapigilan ang paglaganap sa Pilipinas ng Covid-19 variant mula India.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea noong Miyerkules, magiging epektibo ang naturang ban mula Mayo 7 hanggang 14.

Sa isang memorandum, nakasaad na ang mga pasaherong nagmula sa mga nabanggit na bansa sa loob ng 14 days bago ang pagdating sa bansa, ay pagbabawalang pumasok.

Samantala, agaran namang magiging epektibo ang pagsasailalim sa RT-PCR test ng mga pasaherong dumating bago ang travel ban sa loob ng 14 days. Sila rin ay sasailalim sa 14-day facility-based quarantine.

LATEST

LATEST

TRENDING