Palasyo: Walang ‘falling out’ sa pagitan nina Duterte at Pacquiao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senador Manny Pacquiao at Pangulong Rodrigo Duterte

Wala umanong naganap na “falling out” sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Manny Pacquiao, isang kaalyado ng administrasyon, nang igiit nitong may kakulangan umano ang tindig ng Pangulo sa West Philippine Sea isyu, pahayag ng Malacañang noong Martes.

“I don’t think there is a falling out,” ani Presidential spokesperson Harry Roque sa isang online briefing nang tanungin kung nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nina Duterte at Pacquiao.

Aniya, “Hanggang ngayon po, nananatiling napakalaking fan ni Senator Pacquiao ang ating Presidente sa larangan ng palakasan lalo na sa larangan ng boxing. Hanggang doon na lang po tayo.”

Ayon kay Pacquiao, naging mas matamlay umano ang tindig ng Pangulo hinggil sa West Philippine Sea isyu kumpara noong nangangampanya pa lamang ito sa pagka-Pangulo.

Inalala rin ni Pacquiao ang naunang naging pahayag ni Duterte na sasakay ito ng jet ski papuntang West Philippine Sea upang itanim ang watawat ng Pilipinas doon.

“Narinig natin bago mag-election, sa pangangampanya, nung sinabi niya na mag-jet ski siya, dala yung watawat ng Pilipinas doon, e siyempre, kahit ako sa puso ko, ito na yung iboboto ko dahil ito yung dapat na presidente, kailangan natin, na pinaglalaban yung bansa natin,” ani Pacquiao.

Gayunpaman, paulit-ulit na idinidiin ng Pangulo na hindi makikipagdigmaan ang Pilipinas sa China hinggil sa pinag-aagawang mga teritoryo.

Ayon kay Duterte, mayroong “debt of gratitude” ang Pilipinas sa China, dahil sa pagtulong nito sa bansa, kabilang ang donasyon ng Covid-19 vaccines.

LATEST

LATEST

TRENDING