Magalong, hindi sumang-ayon kay Roque nang sinabing ‘all systems go’ na ang StaySafe app

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inihayag ng Malacañang noong Martes na “all systems go” na ito para sa pag-arangkada ng isang contact tracing app, kung saan inaasahan ng pamahalaan na makatutulong ito sa Covid-19 response ng gobyerno.

Subalit, pinabulaanan ito ng isang opisyal. 

Ginagamit na umano ng Interior Department ang. StaySafe app, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, “Lahat po ng kontrobersiya sa app na ito ay natapos na. Lahat po ng kinakailangan i-donate ay nai-donate na po sa Philippine government.”

“We have decided to go full speed ahead… All systems go na po tayo,” dagdag pa ni Roque.

Subalit, sa isang hiwalay na briefing noon ding Martes, iginiit ni contact-tracing “czar” at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na pinag-aaralan pa rin ng Interior Department ang naturang app.

“Talagang kulang pa ho iyong documentation na ibinigay ng StaySafe kaya hindi pa ho natin makumpleto at masabing categorically na highly reliable itong StaySafe,” ani Magalong.

Dapat umanong mag-trace ang mga awtoridad ng 37 close contacts para sa bawat pasyenteng may Covid-19. Subalit, ang aktwal na record umano ng bansa ay nasa 4 contacts lamang sa bawat Covid-19 patient, ayon kay Magalong.

“To be honest with you, it’s still the weakest link among the pillars,” sabi ni Magalong tungkol sa contact tracing ng bansa.

“Talagang nakatutok po kami sa mga local government units kasi ang local government units naman talaga ho ang kailangan mag-conduct ng contact-tracing,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING