Duterte, sinabihan ang mga Pinoy na maghintay na lamang ng ayuda, sa halip na dumagsa sa community pantries

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino noong Lunes na maghintay na lamang ng ayuda mula sa pamahalaan sa halip na magpunta sa community pantries, kung saan maaari umano itong makapagdulot ng pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang weekly taped address matapos imungkahi na ang barangay health workers ang dapat na nagde-deliver ng ayuda sa mga bahay-bahay upang mapigilan ang pagtaas ng Covid-19 cases.

Aniya, “People were swarming. It might not be the first thing that you did with your idea, but from there it generated yung mga ito. Nagkalapit-lapit, nagkalapit-lapit hanggang magtaas na naman.”

Libu-libong katao ang nagtungo sa mga community pantries sa iba’t-ibang panig ng bansa habang nagpapatuloy ang Covid-19 pandemic.

Isa sa mga ito ang community pantry na itinayo ng aktres na si Angel Locsin sa Quezon City, kung saan dinagsa ito ng daan-daang katao bagama’t puspusan ang pagpapatupad ng organizers ng health and safety protocols.

Dahil dito, sinabi ng Pangulo sa mga Pilipino na maghintay na lamang ng ayuda na ibibigay sa kanilang mga tahanan, sapagkat mas ligtas umano ito.

“This is not meant as an insult. Hindi niyo kasi alam. Ngayon, kasi ginawa ninyo, hindi niyo talaga alam… The fact na ginawa ninyo, hindi ninyo alam ang consequences,” giit ni Duterte.

“Ang mga tao, matigas kasi ulo ninyo. Ayaw ninyong maniwala. Sinabi na ngang mabuti na nga mag-istambay ka na lang. Alam niyo, hindi ito biro, ‘pag tinamaan ka ng COVID, it’s [death],” dagdag pa nito.

Sinabi rin nitong patuloy ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan sa mahihirap nang “pasikreto”.

Aniya, “Ngayong, kayong mga wala talagang makain… maghintay lang kayo and try to communicate with your barangay captain. Ako, nagsabi ako, magbalot kayo ng pagkain, ibibigay ninyo ‘yan sa mga tao. Sikreto.” 

LATEST

LATEST

TRENDING