Covid-19 cases sa Metro Manila nasa downtrend, subalit ‘unstable’ pa rin: OCTA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: The Straits Times

Nananatiling nasa downtrend ang bilang ng Covid-19 cases sa Metro Manila, pahayag ng OCTA Research Group noong Martes, ilang araw matapos paluwagin ng mga awtoridad ang quarantine protocols sa National Capital Region at mga karatig lalawigan bagama’t nananatili ang mga ito sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ). 

Ang epekto umano ng MECQ “Flexi” ay maaaring makita “next week o next next week,” ayon kay OCTA Research fellow Guido David.

Ayon kay David, ang Metro Manila ay mayroong 3,000 daily average ng Covid-19 cases kumpara sa 5,000 noong peak nito.

Ang reproduction rate, o bilang ng taong nahahawa ng isang virus patient, ay bumaba na sa 0.82.

“We can say it’s a downward trend pero unstable pa rin kasi ang ibang LGU (local government unit) ‘di pa ganun ka stable ang decrease nila,” ani David.

Ang Manila, Navotas, Pasay, at Pateros ay nagkaroon ng malakihang pagbaba o hanggang 75 percent na mas konti.

“Flat” trend naman aniya ang makikita sa Muntinlupa, Las Piñas, at Valenzuela, at mababa naman ang decrease sa bilang ng mga kaso sa Parañaque at Mandaluyong, dagdag pa ni David.

“We can do it gradually pero we have to reassess maybe by next week,” giit nito.

Puwede na umanong sumailalim ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) kung bumaba na ang daily average cases nito sa hindi tatas nang 2,000 Covid-19 cases, unang pahayag ni David.

LATEST

LATEST

TRENDING