OCTA: Daily Covid-19 cases sa Metro Manila, posibleng hindi tumaas nang 3,000 sa mga darating na linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inaasahang bababa ang daily average number ng Covid-19 cases sa Metro Manila nang hindi tataas sa 3,000 sa mga susunod na linggo kung mapananatili ang reproduction number sa 0.85, ayon sa OCTA Research team noong Linggo.

Sa huli nitong monitoring report, inihayag ng OCTA na nasa 0.83 ang reproduction number mula Abril 25 hanggang Mayo 1.

Binanggit din ng grupo ang pagbaba nang 18% sa daily average ng bagong Covid-19 cases, kung saan 3,144 na mga bagong kaso lamang ang naitala sa nakalipas na pitong araw.

“If the reproduction number in the National Capital Region holds at 0.85, the number of new cases per day in the NCR should decrease to 3,000 for May 2 to 8 and 2,800 for May 9 to 15,” pahayag ng OCTA.

“If the reproduction number begins to increase again, there will be concern about the current quarantine restrictions in the NCR Plus,” dagdag pa nito.

Batay sa tala noong Mayo 2, nasa 1,054983 ang kabuuang Covid-19 cases sa bansa, kabilang ang 71,472 activec cases, 966,080 recoveries, at 17,431 deaths.

LATEST

LATEST

TRENDING