Mga doktor, binalaan laban sa pagre-reseta ng ivermectin kahit walang compassionate permit

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nagbabala ang Philippine Medical Association (PMA) noong Linggo laban sa prescribing o compounding ng ivermectin kung hindi kabilang sa mga ospital na nabigyan ng compassionate special permit.

Ayon sa PMA, susunod ito sa itinakdang patakaran ng Food and Drug Administration, Department of Health, World Health Organization na “inconclusive” ang kasalukuyang ebidensiya hinggil sa paggamit ng ivermectin bilang pangontra sa Covid-19.

Ni-review din umano ng infectious medicine specialists ng organisasyon ang case studies kung saan hindi nito inirekomenda ang paggamit ng nasabing gamot kontra Covid-19, bunsod ng “low confidence certainty due to high risk of bias and low overall quality of evidence” ng mga pag-aaral ukol dito.

Nagbabala rin ang PMA sa mga doktor na ang pag-manufacture at pamamahagi ng mga hindi rehistradong gamot ay paglabag sa FDA Act of 2009.

“The unlawful sale of the drug product bought abroad but not registered with the FDA is also illegal. PMA hereby cautions physicians not to prescribe or compound the medicine Ivermectin outside of the approved compassionate use hospitals,” pahayag ng asosasyon.

Kasalukuyang pinapayagan ng FDA ang limang ospital sa paggamit ng ivermectin bilang investigational drug para gamutin ang Covid-19.

Noong nakaraang linggo, dalawang kongresista ang namahagi ng ivermectin sa mga pasyente, na binigyan ng reseta ng mga on-site doctors nang hindi pinipirmahan o pinapangalanan ang nasabing prescription.

LATEST

LATEST

TRENDING