Gobyerno, balak magpatupad ng P24-B wage subsidy program para sa 1M manggagawa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: PNA

Nagbabalak ang pamahalaan na maglaan ng P24 bilyon bilang wage subsidy para sa tinatayang nasa isang milyong manggagawa, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez noong Sabado.

Sa ginanap na Task Group on Economic Recovery (TGER) – National Employment Recovery Strategy (NERS) Job Summit 2021, sinabi ng kalihim na ang iminumungkahing wage subsidy ay nakatuon sa “pagpreserba at pagprotekta” sa mga manggagawa.

Ayon kay Lopez, na siya ring pinuno ng NERS Task Force, layunin ng programa na magbigay ng P8,000 kada buwan – sa maximum na tatlong buwan – para sa mga manggagawang naapektuhan ng lockdown.

Aniya, “The proposed subsidy, currently being evaluated by NEDA (National Economic and Development Authority), intends to benefit one million workers.”

Kapag naaprubahan, bibigyan ng prayoridad ang mga micro, small and medium enterprises na kasalukuyang nagpapatupad ng flexible work arrangements o temporary closure, at mga establisyimentong nag-aavail ng zero o low-interest loan facility ng DTI-SB Corp at COVID-19 Assistance to Restart Enterprises o CARES program.

“This will also a form of pump-priming the economy,” dagdag pa ni Lopez.

Ang naturang P24-bilyong wage subsidy program ay kabahagu ng 8-Point Employment Recovery Agenda ng pamahalaan.

Noong Marso, ibinunyag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 4.2 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Pebrero dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING