Foreign tourists, bawal pa ring pumasok sa PH: BI

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) noong Linggo na tanging mga foreigners lamang na may immigrant at non-immigrant visas ang maaaring makapasok sa Pilipinas.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok ng mga turistang foreigner sa bansa bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagluwag ng travel restrictions noong Mayo 1.

“Foreign tourists are still prohibited from entering the country and said restriction remains effective until it is lifted by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID)” pahayag ni Morente.

“The recent easing of travel restrictions applies only to aliens who were allowed to come here before March 22 and they should have valid and existing visas at the time of their arrival in our ports of entry,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon kay Morente, ibinalik lamang ng pamahalaan ang pagpapatupad ng travel international guidelines na umiral bago mag Marso 22 noong nagpatupad ng ban ang bansa sa pagpasok ng lahat ng foreigners dahil sa pagsipa ng Covid-19 cases.

Ang lahat ng mga biyaherong foreigner – maliban na lamang ang foreign diplomats at mga miyembro ng international organizations — ay required na magpakita ng pre-booked accomodation nang hindi bababa sa pitong gabi sa isang accredited quarantine hotel o facility kung saan sasailalim ang mga ito sa Covid-19 testing sa ika-anim na araw ng kanilang pagdating.

Samantala, iginiit ng BI na patuloy ang pag-iral ng travel ban ng Pilipinas sa India hanggang Mayo 14.

LATEST

LATEST

TRENDING