Pagdating sa PH ng Sputnik V Covid-19 vaccines, muling naantala

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Reuters

Ang inaasahang pagdating sa bansa ng inisyal na batch ng Sputnik V vaccines na gawang Russia ay muling naantala noong Miyerkules dahil sa “logistical challenges.”

“Challenges resulting from there being no direct flights from Russia and that vaccine requires -20 temp,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang unang batch na may 15,000 doses ay itinakdang dumating sana noong Marso 24. Ito ay na-reschedule noong Miyerkules. Subalit, sa araw ng delivery, inanunsyo ng pamahalaan na muli itong ipo-postpone, kung saan wala pang nakatakdang petsa para sa pagdating nito.

“Vaccine Czar Carlito Galvez has taken steps to address these challenges and aims to receive the initial order of the Russian (vaccines) in the month of May instead,” dagdag pa ni Roque.

Ayon sa Department of Health, ang inisyal na doses mula sa vaccine manufacturer ng Sputnik V na Gamaleya ay ipamamahagi sa apat na unidentified cities sa Metro Manila bilang kabahagi ng “simulation activity.”

LATEST

LATEST

TRENDING