Organizer ng Maginhawa community pantry, umapela sa mga pulitiko na ‘wag gamitin ang pantries sa pulitika

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Ana Patricia Non

Umapela si Ana Patricia Non, organizer ng Maginhawa community pantry, sa mga pulitiko na iwasan ang paggamit ng mga community pantries para sa pangangampanya.

Sa isang panayam, ibinunyag ni Non na may mga pulitiko umanong nagdo-donate sa mga pantries ngunit may mga pangalang nakasulat sa mga donasyon.

Aniya, “Mayroon lang pong nag-visit na may planong tumakbo, or politician. Ang advise ko, okay lang po, welcome po ang donations ninyo, pero ‘wag na po tayong mag-ano, i-campaign po. ‘Wag po tayong mag-campaign and ‘wag na po nating ilagay ‘yung pangalan natin if politician po kayo at magdo-donate.”

Ayon kay Non, nakatanggap umano sila ng mga donasyon mula sa mga incumbent na pulitiko, kung saan ilan sa mga ito ang gusto pang magpa-picture sa kanilang mga donasyon.

“Tinatanggal po namin ‘yung pangalan…If ever po, welcome po kayong mag-donate pero hindi natin gagawin na bigay ‘to ni ganitong person. Kasi community siya eh, wala siyang pangalan,” sabi ni Non.

“Dapat hindi siya tungkol sa atin,” dagdag pa nito.

Naglipana ang iba’t-ibang community pantries sa buong bansa matapos umpisahan ni Non ang konsepto nito sa Maginhawa Street sa Quezon City.

LATEST

LATEST

TRENDING