Mga biyahero mula India, hindi muna makakapasok sa Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Rafiq Maqbool (AP)

Pansamantalang ipahihinto ng Pilipinas ang pagpapapasok ng mga biyahero mula India, na nakararanas ng malubhang pagtaas sa Covid-19 cases, giit ng Malacañang noong Martes.

Ang sinumang manggagaling ng India o may travel history sa India sa nakalipas na 14 days bago ang inaasahang pagdating sa Pilipinas, ay hindi papapasukin sa bansa “simula 0001H ng Abril 29, 2021, hanggang Mayo 14, 2021,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kasama rin sa paghihigpit na ito ang mga Pilipino.

Hindi naman kabilang dito ang mga pasaherong bumibiyahe na mula India o may kamakailang travel history sa nasabing bansa, na darating sa Pilipinas “bago ang 0001H ng Abril 29, 2021,” ayon kay Roque.

Subalit, kinakailangan nilang sumailalim sa mandatoryong 14-day quarantine sa isang pasilidad kahit pa mayroon itong negatibong swab test result.

“Restrictions as to travelers coming from other countries that report the new strain may be imposed by the Office of the President upon the joint recommendation of the Department of Health and the Department of Foreign Affairs,” dagdag pa ni Roque.

Dapat din umanong tiyakin ng Department of Transportation na hindi papahintulutan ng mga airlines ang pagsakay ng mga pasahero na kabilang sa travel restriction, maliban kung sila ay bahagi ng “repatriation efforts ng national government,” diin ng opisyal.

LATEST

LATEST

TRENDING